Gladney binayo ni Julaton

NILAMOG ni WBO jr. featherweight female champion Ana “The Hurricane” Julaton (9-2, 1 KO) ang mukha ni Angel Gladney (6-4-1, 5 KOs ) kasunod ng pagsikwat ng eight round unanimous decision laban dito kahapon.

Ang laban ng dalawa ay naganap sa Miami Dade County Auditorium sa Miami,  Florida .

Naging maaksiyon ang bakbakan ng dalawa kung saan duguan pa si Julaton nang matapos ang laban.

Kasabay nito, sa Japan ay dinurog ni WBC lightweight world champion Humberto Soto (56-7-2, 32 KOs) sa pamamagitan ng ten round technical decision si #11 rated challenger Motoki Sasaki (36-9, 23 KOs).

Nakabangon na rin si dating world champion Fernando “Kochulito” Montiel nang magwagi laban kay Nehomar Cermeno.

Tumanggi na si Cermeno na bumalik sa third round ng kanilang bakbakan nang matamaan ng malakas na left hook sa ikalawang round ng bakbakan nila sa Estadio de futbol de los Dorados sa Culiacán, Sinaloa,  Mexico.

Ito ang unang laban ni Montiel sapul nang durugin ni bantamweight champ Nonito Donaire sa ikalawang round ng kanilang sagupaang noong Pebrero.

Samantala, ang isa sa mga napipisil na makakalaban ni Manny Pacquiao na si WBO #1 Welterweight Mike Jones (25-0, 19 KOs) ay umiskor ng KO win laban kay Raul Munoz (21-14-1, 16 KOs) sa South Philadelphia kahapon.

Matapos ang laban, sinabi ni Jones na ang tawag na lamang ni Bob Arum ang hinihintay niya para makaharap si Pacman.

 

gilber

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply