GMA barado kay Sen. Kiko

KINASTIGO ng isang kaalyado ang pagbatikos ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo kay Pangulong Benigno Aquino III na “walang tao” ngayon sa Malakanyang.

Sinabi ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na makatotohanan ang paratang ni Arroyo na wala talagang tao sa Palasyo nang ipinapasa ng dating administrasyon ang “lagay” at paglilipat ng pondo sa mga opisyal nito kapalit ng boto.

“Yes, GMA is right that nobody is home. Nobody is home in Malacanang passing hundreds of thousands of cash to pay off political allies in exchange for votes, or calling Comelec commissioners on the cellphone for election fraud,” giit ni Pangilinan.

Ang tinutukoy ng senador ay ang umano’y pagtanggap ng tawag mula sa ilang miyembro ng Gabinete na nag-uulat hinggil sa P200-milyon suhol na iniaalok para sa kontrata ng pamahalaan o pagbibigay ng instructions sa kanyang undersecretaries na ilipat ang pondo para sa pataba patungo sa election campaign fund.

Ipinagpatuloy pa ng senador ang pagbatikos sa pamamagitan ng salitang:  “Yes, Malacanang has been exorcised of all these with GMA stepping down. and, as such, we are truly grateful that nobody’s home who’s willing and capable of doing all that.” Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply