GM Torre nakisalo sa liderato sa Pichay Chess Cup

SUBIC—Dinurog ni Grandmaster Eugene Torre kontra si Fide Master Novita Anjas ng Indonesia para makisalo sa liderato kasama ang 14 pang manlalaro matapos ang second round ng Chairman Prospero “Butch” Pichay Cup chess championship Biyernes dito sa Subic Bay Travellers Hotel sa Subic, Olongapo City.

Ang 13th seeded Torre ay nagwagi sa disadvantageous black pieces tungo sa second straight win sa prestigious Swiss-system tournament, inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa kandili ni president/ chairman Prospero “Butch” Pichay Jr. at suportado nina SBMA head Armand Arreza at ng Philippine Sports Commission (PSC).

“May pagka drawish y’ung laro. Kaso nag blunder siya (Novita Anjas) sa end game,” sabi ng 59-years-old Torre, na target muli ang magnificent performance matapos ang runner-up place finish sa Indonesia’s Telin Open Chess Tournament nitong Abril. Unang giniba ni Torre ang kababayang si Ben Polao sa Thursday’s opening round.

Makakalaban ni Torre sa susunod na round ay si GM Zhang Zhong ng Singapore na winasak si Zeng Chongseng ng China.

Ang iba pang nakapagtala ng 2 points ay sina GM Mark Paragua, GM Darwin Laylo, GM John Paul Gomez at IM Richard Bitoon ng Philippines, GM Xu Jun, GM Wen Yang, GM Li Shilong, Lu Shanglei, Yu Ruiyuan at Wan Cheng ng China, GM David Arutinian ng Georgia, GM Cerdas Barus at IM Halay Taufik ng Indonesia.

Diniskaril ni Paragua si NM Emmanuel Senador, winasak ni Laylo si WGM Irine Sukandar Kharisma ng Indonesia, dinurog ni Gomez si IM Yves Ranola, umibabaw si Bitoon kay Guo Qi ng China, pinayuko ni Xu si FM Haridas Pascua, namayani si Wen kay IM Kim Steven Yap, tiniris ni Li si FM Jony Habla, panalo si Lu sa kababayang si Wang Jue ng China, kinaldag ni Yu si Ahmad Morsalim, hinataw ni Wan si Emmanuel Emperado, pinatiklop ni Arutinian si IM Oliver Dimakiling, pinitpit ni Barus si WFM Zhai Mo ng China at nakaungos si Taufik kay IM Oliver Barbosa.

Ang Tournament director ay si newly-appointed NCFP executive director olympian GM Jayson Gonzales habang ang chief arbiter ay si IA Gene Poliarco.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply