GMA dadalo sa SONA ni PNoy

KINUMPIRMA ng spokesperson ni dating Presidente at ngayon ay Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo na si Elena Bautista-Horn na dadalo ito sa pangalawang State of the Nation Address ni Pangulong Aquino.

Matatandaang hindi pumunta si Arroyo sa kauna-unahang SONA ni PNoy dahil sinamahan umano nito ang kanyang asawa sa Hong Kong para magpacheck-up.

Umalis ang dating pangulo papuntang Espanya ngunit makakabalik ito sa SONA.

Nakatakdang maglahad si Aquino ng kanyang SONA sa Hulyo 25, 2011 sa bulwagan ng House of Representatives sa Batasan Complex sa lungsod Quezon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply