Paglilinis ng ‘kalat’ ni GMA nakaaabala sa Aquino govt

INIWANG bangkarote ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang gobyerno kung kaya’t naaabala umano sa dapat nitong isagawa dahil  napupunta umano ang panahon at kaisipan ng kasalukuyang administrasyon sa paglilinis ng kalat na iniwan ng nakaraang rehimen.

Ito ang naging pagtatanggol at pagsalag ni Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) Director Joel Villanueva, dating representante ng Citizens Battle Against Corruption (Cibac) party-list group, sa pasaring ni Arroyo kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na wala pang nagagawa ang pamahalaan ng huli.

“Inubos o walang natira sa tahanan ang tamang pagsasalarawan sa estado ng pamahalaan na kanyang iniwanan matapos ang siyam na taong panunungkulan.”

Inihalimbawa ng dating mambabatas ang napakalaking utang na P2-bilyong scholarship vouchers na ipinamahagi umano ng dating pamunuan ng Tesda sa kabila ng kawalan ng kaukulang pondo para dito.

Kaya tamang-tama at makatotohanang sabihin na “nothing left at home” nang umalis ang dating Pangulo at hindi pangangantiyaw nitong “nobody home.”

Ito ay dahil sa pagiging abala ng administrasyong Aquino sa paglilinis ng mga kalat at basurang iniwan ng dating administrasyon, habang abala rin sa pagkakaloob ng serbisyo at mga pangangailangan ng mga tao ngayon.

“Sa Tesda, ginagawa namin ang aming trabaho sa paglilinis ng pamahalaan kasabay ng aming pagpupursige na maisulong ang mga programa na positibo at agarang tutugon sa pangangailangan ng mga tao,” dagdag pa ni Villanueva.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply