GMA no-show sa hearing ng plunder case

BIGONG makaharap si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kauna-unahang preliminary investigation sa plunder complaint na isinampa laban sa kanya at iba pa sa Department of Justice (DOJ).

Ang kaso ay may kaugnayan sa akusasyon ni dating Solicitor General Frank Chavez na umanoy iligal na paglilipat ng halos P550 na pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa PhilHealth sa pondong ginamit lamang daw umano ng dating pangulong Arroyo sa pangangampanya nito noong 2004 election.

Ayon sa abogado ng dating pangulong Arroyo na si Atty. Benjie Santos, hindi pa kinakailangan ng appearance ni Arroyo sa pagdinig ngayon kaya hindi na muna ito pinaharap.

Maging ang iba pang respondent sa kaso na sina Civil Service Commission Chairman Francisco Duque III, dating Foreign Affairs  Secretary Alberto Romulo at dating OWWA Administrator Virgilio Angelo ay bigo ring mkasipot sa pagdnig at nagpadala lamang ng mga abogado.

Samantala, idinawit na rin ni Chavez sa reklamo sina Labor Secretary Rosalinda Baldoz, dating Labor Secretary Patricia Sto. Tomas, Manuel Imson, Mina Figueroa, Caroline Rogel, Victorino Balais, Gregorio Oca at Virginia Pasalo.

Sa amended complaint na inihain ni Chavez, iginiit nito na dapat ding managot ang mga nabanggit dahil bilang mga miyembro ng board of trustess noong panahon na iyon at sila ang nag-aapruba para sa paglalabas ng nasabing pondo.

Depensa ni Chavez na nagmamadali siya noong una niyang ihain ang plunder complaint kaya hindi niya naisama ang mga nasabing dating miyembro ng OWWA board of trustees. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply