Goodbye na ang kasal: Ara Mina, tinabangan na si papa

USAP-usapan ngayon sa mundo ng pagnenegosyo at industriya ng pelikula ang medyo chubby nang si Ara Mina.

Napag-uusapan s’ya sa mundo ng kalakalan dahil sa kanyang boyfriend na negosyante. At ayon nga sa tsismis, on-the-rocks na raw ang kanilang relasyon.

Marami raw kasing nalamang negatibo tungkol sa katauhan at pag-uugali ni Ara ang kanyang sweetheart.

Kung ano man ‘yung na-search sa Internet, este, ng kanyang bf sa kanyang pagkatao’t gawain siguradong hindi maganda ‘yon.

Sayang dahil inaasahan daw ng sis ni Cristine Reyes na pakakasalan siya ng kanyang lovey-dovey.

Pero kung love namang tunay si Menang ng kanyang syota, bakit ito magpapadala sa sulsol at bulong ng kanyang mga kaibigan, kamag-anak at kung sinu-sino pa?

Ito naman kasing si Ara hanggang ngayon daw ay panay pa rin ang gimik kung saan-saang bar kasama ang mga matrona niyang kaibigan.

May karelasyon na pumapasok pa rin sa gay bar?

Sino ba ang pinupuntahan niya sa lugar na ito, gay or guy? Hahahaha!

A piece of advice kay Menang, tantanan mo na ang pagliwaliw, paglalagalag at pagkandi-kandirit sa mga bahay-aliwan na ito dahil hindi magandang tingnan sa katulad mong dalaga at may name namang artista.

Oke-oke?

***

ISA pang nagsi-circulate na tsika ngayon sa apat na sulok ng mundo ng katsang telon ay itong tungkol naman sa kaliwa’t kanang mga utang umano ni Philip Salvador.

May pumapalag na nga raw at any moment ay baka magdemanda na ng estafa against Philip.

Again, advice uli natin kahit di hamak na mas bata tayo sa veteran actor. Sana mag-diet ang ating idol dahil para ng may nuno sa punso ang tiyan niya. Hindi na siya nabibigyan ng project dahil mabagal na raw siyang kumilos.

Saan ka nga naman nakakita ng isang action star na slow-motion ang kilos? Hehehe!

Isa pa, bawasan o kaya alisin na nang tuluyan ang pagkamainitin ng kanyang ulo (sa taas po..Hakhakhak!).

Hindi ka na kagaya ng dati na bata pa at sikat na sikat. Kung maliliit na problema, pagpasensyahan na lang. Huwag nang daanin sa sapukan. Baka pati producer, direktor at buong produksyon ay pagwelgahan ka na at wala nang gustong lumapit sa ‘yo.

Teka nga muna, di ba’t binigyan ka ng isang sangay ng Bodega Ng Bayan ni Mayor Enrico Roque, ano ang nangyari sa negosyong ito?

Pinagbabasag mo ba ang mga paninda mong appliances dahil sa init ng iyong ulo kaya wala nang mabili ang mga suki ng Bodega? Joke! Hahaha!

Well, kahit anong mangyari, tagahanga pa rin tayo ni Mr. Philip Salvador. Walang eklat ‘yan idol. Kaya nga feel naming makita uli siyang matikas at nakikipagbakbakan pa rin sa sine.

***

“GUYS and friends we are now currently working on a music video film for “Find Me” and seeking a male actor to join with our female model/actress!”

‘Yan ang paanyaya ni Sophia Montecarlo mula sa kanyang FB account para sa pagbuo ng kanyang music video.

Para sa mga interesado just log-on to http://www.vocalsync.com/seeking male actor.  “We are an independent label looking for an aspiring male actor. You will be playing the role of an ex-boyfriend who later gets back with his ex-girlfriend towards the end of the film because you two were really meant for each other.

The ex-girlfriend will be played by an aspiring model/actress.” paliwanag pa nito para sa konsepto ng kanyang MTV.

Nagpapasalamat nga pala si Sophia sa Monster Radio RX93.1 for playing her song Find Me.

Well, para sa mga Pinoy na mahihilig sa musika, suportahan natin ang worlds class talent na si Sophia dahil isa siya sa nagdadala ng ating bandila sa international Tin pan-alley.

***

Para sa inyong mga suhestiyon at reaksiyon, magtext lamang sa aming cellphone nos. 09324701434 at sa 09351851227. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa aming email add. at kuya_abepaul@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply