Gov. Baac pinapaimbestigahan ng Malakanyang

IPINAG-UTOS na ng Malakanyang kay DILG Secretary Jesse Robredo na imbestigahan ang pangyayaring kinasasangkutan ni Kalinga Gov. Joel Baac.

Matatandaang pinasok mismo sa radio booth ni Gov. Baac ang komentaristang si Jerome Tabanganay na kasalakuyang nagpoprograma sa Radyo ng Bayan sa Tabuk at binatukan.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, si PCOO Sec. Sonny Coloma mismo ang humiling kay Sec. Robredo na imbestigahan ang gobernador.

Nabatid na napanood ng Malakanyang ng isang video ng panunugod ni Gov. Baac kay Tabanganay. Ipinangako ni Lacierda na kakasuhan ng pamahalaan ang sinumang mapapatunayang nagkasala.

Si Gov. Baac ay miyembro ng Liberal Party subalit hindi umano ito makakaapekto sa kanilang gagawing imbestigasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply