Grabe as in totohanan na ang relasyong Derek Ramsay-Erich Gonzales!

WE personally believe na sobrang grabe na ang eskandalong dulot ng pagkaka-link nina Erich Gonzales at Derek Ramsay.  For them, para orderan na manahimik at pakialaman ng Star Magic, the situation must be something like uncontrollable.

Nagwawala na nga raw si Angelica na talagang sinugod na si Erich dahil sa sobrang pagkaselosa nito, to the point na sinabihan daw nitong mang-aagaw ng boyfriend si Erich.

Alam naman natin kung gaano ka-passionate si Angel kay Derek. She’s almost obsessed to the boy na pag inagaw sa kanya ito, handa siyang makipagpatayan.

Probably, Star Magic saw yung fury ni Angel na maaaring magwakas sa isang insidenteng di kagandahan, ayun, binusalan na’ng bunganga nina Erich at Angelica.

Nagsimula ang malaking gulo nang iparating kay Angelica yung ginawang pagsasama nina Derek at Erich sa kanilang bahay sa Tagaytay na ipinakilala nito sa ina ang babae.  Halatang inilihim yun ni Derek kay Angelica at hindi puwedeng bilhin yung alibi ni nitong fan raw ang nanay niya ni Erich at nag-request na dalhin ito sa kanya. If that were true, dapat sana, kasama pa nila si Angel nang pumunta sina Erich at Derek sa Tagaytay. Yung paglilihim nito kay Angel, sparked the violence in Angelica na todo nagselos nga.  Sa tantiya namin kay Angelica, in the very few times that we got to talk to her, and sized up yung pag-ibig niya kay Derek, makikipagpatayan nga ito kahit kaninong babae, ‘wag lang maagaw sa kanya ang lalaking minamahal.

The issue affected other ABS-CBN stars like Kim Chiu who allegedly was the one who squealed to Angelica about the burgeoning relationship between Derek and Erich.

Dawit nga si Kim at affected ngayon yung friendship niya with Erich na dati ay ka-close niya. Hindi rin naman talaga puwedeng sabihing walang malisya yung pagsusumbong niya kay Angelica about the incident.

Probably, Kim is smiling devilishly now dahil mukhang tagumpay yung epekto ng gulong siya ang nagsimula. Bukod sa gag order, pinagharap na raw ng Star Magic ang mga taong concerned and it is said na ayos na ang lahat. But let us wait for more developments. Di pa tapos ang isyu. Surely this would have a part two kapag finally, pinalabas na yung movie na “Corazon” na siyang dahilan sa mga kaguluhang ito.

Or probably, kapag sinimulan na yung “Binondo Girl” ni Kim, tiyak na uulit-ulitn ng mga reporter ang pagtatanong sa kanya.

Like we say, naipit si Kim sa gulo ng tatlo. Na sabi nga namin, she deserves to be in the brouhaha dahil siya nagsimula ng lahat.

Nagiging isyu ang friendship niya kina Erich Gonzales at Melissa Ricks at sa bagong friends niya ngayong sina Angelica Panganiban at Maja Salvador.

Unang nagkakasama sa mga lakaran sina Kim, Erich at Melissa. And lately lang ang closeness nina Angelica at Maja na nabuo nu’ng US tour ng Star Magic last April.

Nang tanungin naman si Kim tungkol sa isyu, hindi niya ito sinagot pero sinabing luma na raw ang naturang intriga. At kahit daw nadagdagan ang kanyang kaibigan, patuloy pa rin naman ang communication nila nina Erich at Melissa.

Kinumpirma naman ni Erich na true na may gag order ang ABS-CBN hinggil sa usap-usapang alitan nila ni Angelica Panganiban.

Sa isang press briefing, bukod-tanging ang aktres lang ang hindi nagpa-interview sa entertainment press.

Maayos namang sinabi ni Erich sa mga repoter na hindi raw siya talaga puwedeng magsalita sa ngayon dahil pinagbawalan sila ng Star Magic.

“Sa ibang presscon na lang po,” sey pa ng young actress.

Alam ni Erich na ang itatatanong sa kanya ay ang issue nila ni Angelica kaya minabuti na niyang tumanggi kahit pa sinabi ng reporter na tungkol sa career niya at iba pang bagay na walang kinalaman sa issue ang itatanong.

So there!

***

Isabel Granada sobrang mukhang bata para sa mother roles

NAKASAMA namin si Isabel Granada sa fiesta show sa Barangay Bulaon in the City of San Fernando, Pampanga, noong June 13. Kahit di na sanay sa mga ganitong lakaran, she obliged us with her presence na may tipong pakiusapan sa talent fee. Like the trouper that she is, pinasaya ni Isabel ang kapitana ng barangay na si Zenaida Bundalian na special request nga raw niya si Isabel. Bata pa raw si kapitana, fan na siya ni Issa at yun nga ang katuparan ng kanyang pangarap na makaharap ang kanyang idol.

Anyway, mahaba-haba rin ang kuwentuhan namin ni Issa. Very smooth-sailing daw ang samahan nila ng husband niyang sa pangalawang pagkakataon ay konsehal sa siyudad ng Angeles, si councilor Jericho Aguas na naging showbiz citizen din nong araw.

Isabel is very happy and contented na talaga namang very proud sa achievement ng kanyang mister. They have a son Hubert who is now eight years old. Inaalagaan daw ito ni Mommy Guapa na sa kasakuyan ay nag-i-stay sa bahay nila sa Heritage Village in Cutcut, Angeles City.

“Parang ang dali lang ng panahon,” quips Issa.  “Parang kailan lang po yung lagare tayo nang lagare sa mga shows. Hindi na ako sanay, naninibago ako. But you know, this gigs give me a kind of high na talagang hinahanap-hanap ko, ito po ang talagang nami-miss ko,” sabi pa ni Issa.

She lives like a queen now. Good provider naman si Jericho and they live life quite comfortably.  Pero hinahanap pa rin nga ni Issa ang daigdig ng showbiz kaya kahit paminsaa-minsan, naisisingit niya ang mga showbiz activities. Paborito siyang kunin para sa mga teleserye sa GMA 7 pero pinakahuli na niya’ng “Panday Kids.”  “Wala pa pong bagay na role, ako kasi mismo, choosy rin. Maraming offers pero di nagma-materialize.”

Pinakahuli nga raw yung mga offers for two networks, nanay daw sana ang papel niya at ok na rin yun sa kanya. But last minute, para daw awkward tingnan na the still young and fresh face that she is, di pa talaga puwede sa mga mother roles.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply