Graduation ni PNoy ngayon bilang kinder sa Palasyo

IPAHAHAYAG ni Pangulong Noynoy ang kanyang accomplishment bilang kinder sa Palasyo.

Natapos ni PNoy ang kanyang Prep na first 100 days noong Setyembre 30 nang walang wang-wang. Walang wang-wang dahil walang maipagmamalaki. Nakitaan ang kanyang administrasyon ng sobrang kapalpakan.

Yung bang == palpak na paghawak ng gobyerno sa pagharap sa Luneta massacre noong Agosto 24, 2010. Nagmistulang martilyo gang ang mga pulis sa pagpasok sa hinostage na bus ng isa ring pulis hanggang sa malantad ang mga minasaker na Hong Kong tourists.

Lumalabas na walang walang kaalam-alam ang kanyang mga KKK sa DILG para pangasiwaan ang krisis. At nang magkaroon ng rekomendasyon para patalsikin o disiplinahin ang mga ito, milagrong may naghagis ng asido para panghugas dito.

Sa mamilagrong paghuhugas sa kasalanan ng kanyang mga KKK lang ang accomplishment ni PNoy sa kanyang Prep sa Palasyo.

KINDER NAMAN

Pagkatapos noon ng kanyang Prep, pumasok naman siya bilang kinder. At graduation nga niya ngayong araw, June 30. Anong nangyari? May pag-asa pa para sa pagbabago noong una.
Pero nitong huling mga araw, anak ng KK, sumabog ang mga anomalya at kainutilan ng kanyang mga KKK.

KKK SA PCSO

Sa sumbong ng ating Uzi, nagkakagulo sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Alam ba ninyo kung bakit nagkakagulo riyan? Yun pala, may isang pamilya riyan na pinagkakaguluhan ang milyon-milyon o bilyon-bilyong grasya ng PCSO. Habang sinasabi nila na may sinalamangka ng P4 bilyon ng nakaraang administrasyon sa PCSO, mukhang buburahin ng mga pamilya riyan ang rekord na ito.

Sa nabanggit na pamilya, mayroong kumorner sa suplay ng wheelchair, may nagmadali umano na palayasin sa Quezon Institute ang PCSO para tayuan ng condo ng kaibigan nila.

Nagaganap ito dahil sa taong pinalayas noon ni  Mita Pardo de Tavera sa PCSO dahil sa multi-milyong anomalya sa feeding program. Kilala ang mga ito ni PCSO Chairman Margie Juico, di ba Chairman  Manoling?

Accomplishment ni PNoy bilang Kinder: pinabalik niya sa PCSO ang isang korap.

oOo
Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply