Granada para sa amo sinalo ng dalawang aso

PATAY ang dalawang aso nang saluhin ang pinasabog na granada ng hindi nakilalang mga salarin na para sa kanilang amo sa Isabela, Basilan, iniulat ng pulisya Lunes.

Ayon sa police report na nakarating sa Camp Crame nagulantang ang mga residente ng Kilometer 16, Brgy. Calvario, Isabela City, Basilan, sa malakas na pagsabog na naganap sa kanilang kalapit bahay ,

Sa ulat ng Basilan City PNP, isang granada ang pinasabog sa nabanggit na bahay at agad namang tumakas ang may kagagawan matapos ang insidente.

Kasunod ng pagsabog ay nakitang nakabulagta ang dalawang aso na mapalad na hindi nahagip ang  mga naninirahan sa bahay.

Sa inisyal na impormasyon, hinihinalang away sa lupa ang pinag-ugatan ng nasabing pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply