Granada para sa amo sinalo ng dalawang aso

PATAY ang dalawang aso nang saluhin ang pinasabog na mga shrapnel mula sa granadang inihagis para sa kanilang amo sana ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Isabela, Basilan, sa ulat ng pulisya.

Ayon sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagulantang ang mga residente ng Kilometer 16, Brgy. Calvario, Isabela City, Basilan, sa malakas na pagsabog na naganap sa kanilang kalapit bahay.

Sa ulat ng Basilan City PNP, isang granada ang ipinukol at pinasabog sa nabanggit na bahay at agad namang tumakas ang may kagagawan nito matapos ang pagsabog.

Kasunod ng pagsabog ay nakitang nakabulagta ang dalawang aso na mapalad na hindi nahagip ang  mga naninirahan sa bahay.

Sa inisyal na impormasyon, hinihinalang away sa lupa ang pinag-ugatan ng insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply