Grudge bout ng Tamaraws at Eagles

SALPUKAN ngayong hapon, Hunyo 10, sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City ang balik-banatan ng Far Eastern University Tamaraws at Ateneo De Manila University Blue Eagles sa FilOil Flying V Hanes pre-season premier cup.

Sasandal ang Bert Flores-coach Tamaraws kay RR Garcia na last season most valuable player at sa main stays ng 2010 UAAP season runner up habang ang Ateneo Blue Eagles ni coach Norman Black ay may isasalang na dalawang bagong player sa katauhan ni Kieffer Ravena at ang recruit na si Greg Slaughter.

Bukod kay Flores, makakasama sa coaching staff ng Tamaraws sina Johnny Abarientos at varsity stand-out na si Victor Pablo.

Sa unang set ng engkwentro ang Group A topnotcher na San Beda Red Lions ay masasabak sa surprise semifinalist na Adamson University Falcons simula alas-dos makapananghali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply