Grupo ni Belmonte makikipagmiting sa China

KINUMPIRMA ni House Speaker Sonny Belmonte ang pakikipagpulong nila sa Chairman of the Standing Committee of the People’s Congress of the People’s Republic of China  sa kanilang pagtungo sa nasabing bansa.

Ayon kay Belmonte, ang kanyang delegado ay nauna nang nagtungo sa China para sa nakatakdang pagpulong na magaganap sa Beijing China.

Kabilang sa mga delegado ay sina 1st district-La Union Rep. Victor  Ortega; lone district, City of  Dasmarinas Rep. Elpidio Barzaga; 3rd district-Bukidnon Rep. Jose “Joey” Zubiri III; 1st district-Zamboanga del Sur Rep. Victor Yu at 1st district -Batangas Rep. Tomas Apacible.

Nilinaw ni Belmonte na ang kanilang pakikipagpulong sa  Chinese officials ay hindi  para sa usaping  Spratly at hanggat maari aniya ay kanilang ihahayag ang posisyon ng bansa para rito.

“If the occasion arises, we will reiterate Philippine position. we are a legislative not executive group naman,” anang  Speaker  nang  tanungin  kung isa sa agenda ang Spratly issue sa kanilang pakay sa pagtungo sa nasabing bansa.

Ang grupo ng mambabatas ay inaasahang babalik sa bansa sa ika-28 ng Hunyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply