Grupo vs puganteng dayuhan sa Pinas, itinatag

NAGTATAG ang Bureau of Immigration (BI) ng bagong grupo na tutugis sa mga dayuhang puganteng nagtatago sa Pilipinas.

Sa isang kautusan, sinabi ni Immigration Commissioner Ricardo David, Jr. na inaprubahan niya ang pagtatag ng Fugitive Search Unit na papalit sa dating Interpol Unit ng kawanihan. Pamumunuan ito ni Intelligence Officer Uso Dan Salasim, katuwang ang mga beteranong operatiba ng kawanihan.

Trabaho ng grupo na hanapin at arestuhin ang mga banyagang tumakas sa Pilipinas upang magtago at takasan ang kasong kinakaharap sa kanilang bansa.

Gayunpaman, ang anumang pag-aresto ay kailangang may katumbas na mission order na ipinalabas ni David.

Makikipag-ugnayan din ang grupo sa iba pang law enforcement agencies at sa iba’t-ibang embahada upang alamin ang kung may mga dayuhang ginagamit na lungga ang Pilipinas.

Sinabi naman ni BI Spokesperson Maria Antonette Bucasas-Mangrobang na mananatiling nasa ilalim ng pangangalaga at superbisyon ng Intelligence Division ang Fugitive Search Unit.

Ayon pa sa tagapagsalita ng kawanihan, hindi magpapalabas ng mission order si David kung walang paunang rekomendasyon ang Intelligence Division. Freddie Cortez

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply