Guidelines sa live media coverage sa Maguindanao trial pwede pang baguhin

BUKAS pa ang Supreme Court (SC) sa mga pagbabago na ilalatag sa a panuntunan para sa live media coverage kaugnay ng pagdinig ng Maguindanao massacre case.

Ayon kay Supreme Court Spokesman Jose Midas Marquez, maaari pa ring maghain ng motion for reconsideration sa kataas-taasang hukuman kaugnay ng nasabing desisyon.

Naniniwala rin si Marquez na hindi na kinakailangan ang memorandum of agreement o kasunduan sa mga himpilan ng media para matiyak na masusunod ang panuntunan.

Sapat na aniya ang ihahaing aplikasyon ng isang himpilan ng media sa Quezon City Regional Trial Court na may hawak ng kaso at ang pag-apruba sa kahilingan ay nasa discretion na ng hukuman.

Bagamat ikinatuwa ng marami ang pagpayag ng Korte Suprema sa hiling na live coverage sa pagdinig ng Maguindano massacre case, umalma naman ang National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) sa mahigpit na patakaran na itinakda ng hukuman para sa coverage ng pagdinig.

Sa resolusyong pinonente ni Associate Justice Conchita Carpio-Morales, tinukoy na napapanahon na para bumalangkas ng win-win solution kung saan hindi naman makokompromiso ang karapatan ng mga akusado, ang press freedom at ang karapatan ng publiko sa impormasyon.

Kabilang sa guidelines ang mga sumusunod:

  1. Pinapayagan ang audio-video recording para sa documentary purposes at transmittal nito para sa live na pag-ere sa radyo at telebisyon.
  2. Kinakailangang maghain ang mga himpilan ng media ng letter of application sa Quezon City Regional Trial Court.
  3. Hindi pinapayagan ang selective o partial coverage.
  4. Walang media entity na papayagang mag-ere ng court proceedings nang walamg aplikasyon na aprubado ng trial court.
  5. Iisang camera lamang ang ilalagay sa loob ng court room kung saan naman kukuha ng live feed ang mga istasyon ng radyo at telebisyon.
  6. Kinakailangang ituluy-tuloy ang pag-ere ng proceedings maliban na lamang sa mga bahagi ng pagdinig na hindi papayagan ng korte.
  7. Hindi papayagan ang commercial break o anumang gap hanggang hindi natatapos ang buong proceedings maliban na lamang sa oras ng recess o sa mga bahagi ng pagdinig na hindi maaring ipakita sa publiko.
  8. Hindi pinapayagan ang voice over maliban na lamang sa mga maiikling anotation.
  9. Hindi pinapayagan ang pag-uulit ng pag-eere ng proceedings maliban na lamang kung naibaba na ang final judgement at kung mga maiikling footages, still images at cartographic sketch na kuha mula sa recording ang ieere para sa paglalahad ng balita.
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply