Guinness world’s shortest man isang Pinoy

ISANG Filipino ang itinanghal ng Guinness Book of World Records bilang pinakamaliit na tao sa mundo.

Si Junrey Balawing na taga-Zamboanga del Norte ay ang bagong pinakamaliit na tao sa mundo.

Naiulat kahapon, si Junrey ay opisyal na sinukat ng Guinness. Kinuha ang timbang at taas nito at ikinumpara iba’t ibang bagay gaya ng bote ng softdrinks.

Base sa website ng Guinness, tinalo ni Junrey, may taas na 23.6 inches ang dating title holder na si Khagendra Thapa Magar, may taas na 26.4 inches, taga-Nepal.

Sa edad na 18, si Junrey na may bigat lamang na limang kilo ang panganay sa apat na magkakapatid.

Ayon sa mga magulang ni Junrey, napansin nilang hindi na lumalaki ang anak noong unang kaarawan nito.

Hindi kagaya ng mga kapatid, hindi nakapag-aral si Junrey dahil sa kanyang kalagayan.

Ngunit si Junrey ang itinuturing na “lucky charm” ng kanyang pamilya. Ayon pa sa tatay nitong si Mang Reynaldo, mula ng ipinanganak si Junrey ay nagkaroon siya ng trabaho. Alex Luiz

Doble ang selebrasyon ng bayan ni Junrey dahil kasabay ng ika-113 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayon, Hunyo 12, ay kaarawan din ng bagong pinakamaliit na tao sa mundo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply