Gusto mo ng diborsyo?

HALOS hindi pa nag-iinit ang debate tungkol sa RH Bill, eto na naman at isinulong ang divorce bill.

Isa na namang kontrobersyal na panukalang batas na tiyak kokontrahin ng Simbahang Katoliko. Ayon sa mga pabor sa panukalang batas, mabibigyang tuldok daw ng divorce law ang marital violence.

Para daw ito sa mga babae na walang pakundangan at paulit-ulit kung saktan ng kanilang kabiyak.
Magkakaroon na raw ng daan ang isang babae o lalake man na kumawala sa isang bayolenteng pagsasama.
Ang sabi pa binibigyan daw ng choice ang mga mag-asawa na magdesisyon, ayon sa kanilang mga personal na karanasan kung hanggang saan nila gustong dalhin ang kanilang pagsasama. Pero mas maraming depensa ang kontra sa divorce bill. Una, hindi daw ngayon ang panahon para dito dahil hindi naman magdudulot ang panukalang batas na ito ng trabaho o kaya ay susupil ba sa korapsyon at kahirapan.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng Iglesia ni Cristo. Matatandaan na nagpahayag ang INC na pabor sila sa RH Bill samantalang ganun na lamang ang pagtututol naman dito ng mga paring Katoliko. Magiging magkakampi kaya sa isyu ng diborsyo ang INC at ang Simbahang Katoliko? Wala tayong divorce pero may mga batas naman tayo against marital violence. Meron din tayong legal separation na pwede maghiwalay ang mag-asawa pero hindi na sila papayagan pang mag-asawa ulit. Meron ding annulment.

Mas mahirap ang annulment dahil bago ito ma-approve ay kailangan munang mapatunayan na ang isang pagsasama ay hindi dapat nangyari mula pa sa umpisa. Dapat mapatunayan na ang isang kasal ay null and void from the start para ito ma-annul. Para sa akin ay matindi ang magiging debate tungkol sa divorce bill kung mangyayari man ito at naa-appreciate ko ang isang honest to goodness debate para magkaroon tayo ng intelligent choice at informed option.  Pabor ba kayo o kontra sa diborsyo?

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa isyung ito

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply