Hacker sa website ni Binay natukoy na

BAGAMAT itinanggi na ang www.araneta.com o www.cubao.com ang nag-hacked sa website ni Vice President Jejomary Binay, tiniyak naman ng kampo nito na kilala nila ang lahat ng 17 websites na sumisira sa opisyal na portal ng bise presidente.

Sa press conference ng PDP-Laban nitong Martes, sinabi ni Joey de Venecia III, kilalang negosyante sa IT technology na natukoy na nila ang may 17 websites ang gustong pumasok at sirain at guluhin ang website ni Binay.

“We had 17 addresses trying to hack the website. Imagine 17, this is a concerted effort to destroy the website of the (vice) president. I won’t tell you kung sino kaya ang mga gawa nito,” paglalahad ni de Venecia, secretary-general ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Binay.

Itinanggi naman ni de Venecia na kabilang sa gustong mag-hack sa website ni Binay ang www.araneta.com o www.cubao.com  patungkol sa kalabang mortal ng bise presidente na si Transportation and Communications Secretary Mar Roxas.

“Wala, walang ganoon,” ayon kay de Venecia.

Ibinabala pa ni De Venecia na mas marami pang government websites ang mapapasok ng hacker sa darating na panahon hangga’t binabarat ng gobyerno ang pondo ng Department of Science and Technology (DOST).

Sinabi ni De Venecia na tanging DOST ang nangangalaga ng lahat ng teknolohiyang ginagamit sa bansa kaya nararapat lamang na maglaan ng mas malaking pondo sa ahensiya upang mapaunlad ang kakayahan nito at maprotektahan ang government sites.

Ang budget ng DOST para sa taong 2011 ay P 5.9 bilyon lamang subalit masuwerteng dinagdagan ng Senado ng P 412 milyon.

Sa kabila nito, itinuturing pa rin ni de Venecia na napakaliit ng budget na ito para kaharapin ang pag-usad ng mga makabagong teknolohiya sa bansa, gayundin ang pangangalaga sa seguridad ng mga website ng government offices.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply