Haybol nasunog: paslit natusta nang buhay

NATUSTA ng buhay ang isang paslit nang maiwanan ito habang nasa kanyang duyan at nasunog ang kanilang bahay sa Tagun City, Davao, kahapon ng madaling araw.

Halos hindi na makilala sanhi ng pagkasunog ng katawan nang marekober ng awtoridad ang biktimang si Russel John Panamkod, 2, ng Purok Maharlika, Kuambogan, Tagum City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 2:30 a.m. sa mismong bahay ng biktima na tinupok ng apoy.

Ayon sa ina ng biktima na si Celestina Panamkod, iniwan niya sa  kanyang manugang ang kanyang dalawang apo dahil nagtatrabaho siya at gayundin ang kanyang mister.

Inilagay naman ng kanyang manugang sa duyan ang biktima nang makatulog na ito habang ang isa naman ay iniwan nitong naglalaro at lumabas ito ng bahay para bumilli ng tinapa sa palengke.

Pero sa kanyang pagbalik, laking gulat nito nang makitang nilalamon na ng malaking apoy ang kanilang bahay na gawa lamang sa kahoy at dahil sa laki ng apoy, hindi na nasagip nito ang dalawang paslit.

Pinaniniwalaang naglaro ng lighter ang apat na taong gulang na si Mary Grace, panganay na anak ni Celestina, dahil nakita ito sa sahig.

Nabatid naman na kahit malapit lamang ang nasusunog na bahay sa planta ng plywood ay bigo naman matulungan ng mga trabahador ang mga biktima dahil sa maingay ang makina na nasa loob ng planta.

 

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply