Hearing ng Maguindanao Massacre case mapapanood sa NBN-4

MAPAPANOOD na ng live ang kaganapan sa paglilitis sa mga akusado sa kaso ng Maguindanao Massacre sa National Broadcasting Network 4 (NBN-4).

Ayon kay Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma, ginawa ito ng Malakanyang bilang pagpapakita ng suporta at paninindigan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang pangako na dapat lamang na mapanood ng taumbayan ang paglilitis sa mga pangunahing akusado na pamilya Ampatuan.

Matatandaang una nang pinayagan ng Korte Suprema ang live media coverage kapalit ng kondisyong mula umpisa hanggang sa matapos ay dapat naka-ere ang paglilitis.

Subalit binalaan naman ng Korte Suprema na pananagutin ang sinumang mag-e-edit at maglalagay sa social networking site ng live coverage sa Maguindanao Massacre trial.

Magugunitang nagbabala rin si Supreme Court spokesman Justice Midas Marquez na parurusahan nila bilang indibiduwal at hindi bilang isang buong media entity na pinaglilingkuran ng taong nag-upload ng video sa social networking site ng paglilitis sa masaker.

Ipawawalang-bisa rin aniya ng Korte Suprema ang permit na ibibigay nila sa media entity sakaling putulin ang live telecast, kahit pa sabihing may malaking istorya o ibang breaking news na ipapasok habang patuloy ang coverage sa Maguindanao massacre. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply