Hearing ng Maguindanao Massacre iere ng live

INULIT ng Malakanyang ang posisyon nito na sumusuporta at pumapayag sa live coverage ng mga pagdinig sa Maguindanao Massacre.

Sinabi ni presidential spokesperson Edwin Lacierda, nararapat lamang na mapanood sa bawat kabahayan sa buong bansa ang katotohanan at mga detalye ng naturang kaso.

“The cry of the victims and their families in the Maguindanao Massacre for justice and accountability will not fall on deaf ears. This must be our shared commitment and our common expectation. We reiterate our call for live coverage of this historic trial. The light of the law, the true and full details of the case, deserves to reach every home in the nation,” ani Lacierda.

Ang muling panawagan ng Palasyo ay bunsod ng nakaraang arraignment ni dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. na naghain ng “not guilty plea” na umani ng batikos mula sa pamilya ng mga biktima ng malagim na krimen.

Sinabi pa ng opisyal, kabilang si Pangulong Benigno Aquino III, kaanak ng mga biktima, maging ang taumbayan sa mga umaasam na mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Dapat din aniya na maparusahan ang mga nagkasala sa nasabing masaker, kung saan walang awang pinatay ang 58 katao kabilang ang 32 mamamahayag.

Ani Lacierda, kailangang maging alerto at mapagmatyag ang bawat Filipino upang makamit ang hustisya at hanggat hindi nahahatulan at napaparusahan ang mga kailangang managot sa naturang krimen.

Idinagdag pa ni Lacierda na ang pagbasa ng sakdal sa Ampatuan patriarch ay isang malinaw na hudyat na umuusad na ang kaso patungo sa pormal na pagdinig sa korte.

“The promise of our system of justice is that every suspect has a right to confront their accusers before an impartial tribunal; the assurance of our justice system is that by means of the presentation of witnesses and evidence, no crime will go unpunished,” pahayag pa nito. Axel Sam

Sa kasalukuyan, tinitiyak ng administrasyong Aquino na mananatiling nakapiit ang mga suspek sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na seguridad at upang maiwasan na mabigyan ng VIP treatment ang mga suspek lalo na ang mga Ampatuan na itinuturong pasimuno ng naturang masaker.

“Our surest guarantee of true justice lies not only in the fidelity of the judiciary to their sworn duty to be impartial; it lies in the public remaining committed to seeing this trial through,” pagtatapos pa ng opisyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply