Heat wave sa America, 7 patay

PITO na ang naitatalang patay bunsod ng nararanasang tindi ng init ng panahon sa kalahati ng Amerika.

Nabatid na sa Detroit, inilikas ang mga kawani ng city hall at iba pang tanggapan ng gobyerno dahil dahil nag-bugdown ang power system kung saan maging traffic lights ay naapektuhan.

Isinara na rin ang mga paaralan sa northeastern US habang may mga cooling centers na sa Chicago, Memphis, Tennessee; Newark, New Jersey at iba pang lungsod.

Umabot naman sa 38 degrees Celsius ang temperatura sa Newark samantalang 50 katao sa CMA fest ang isinugod sa ospital dahil sa matinding init.

Nabatid din na 82 kabataan sa Charles County na nanonood ng baseball game ang binigyan ng lunas matapos maapektuhan ng matinding init ng panahon kung saan nakitaan ang mga ito ng sintomas ng heat stroke.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply