Highway patrol, 1 pa patay sa pamamaril sa SLEX

PATAY ang dalawa katao habang isa pa ang sugatan nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki sa Calamba City, Laguna, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Reynaldo Cabalsa at ang miyembro ng highway patrol na si Lorenzo Amoncio habang sugatan ang kasamahan nitong si Dennis Boy Tala.

Nabatid na Iniisyuhan ng citation ticket nina Amoncio at Tala si Cabalsa, driver ng KIA L300 sa kahabaan ng SLEX sa Barangay Batino nang paulanan sila ng bala ng mga lalaking lulan ng hatchback.

Tumakas ang mga salarin na hindi naplakahan ang sasakyan at iniwan ang mga biktimang nakahandusay sa kalsada.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply