Higit 100 Tsino patay sa pagbaha

IHINAYAG ng isang Chinese official sa state news agency ng China ang pagkamatay ng higit isang daan katao sanhi ng baha bunsod ng patuloy na pag-uulan sa kanilang bansa.

Nabatid na ilang araw na nag-uulan sa katimugang bahagi ng bansa at nagdulot ito ng pagbaha at matinding landslides.

Halos higit 55,000 katao na ang inilikas sa mga nasalantang lugar at inaasahang tataas pa ito dahil sa tatagal pa umano ang ulan hanggang araw ng Biyernes.

“A new round of heavy rain has started to batter several southern regions, causing more deaths and triggering floods and landslides which had forced over 55,000 people to evacuate their homes as of late Tuesday,” ayon sa China state news agency.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply