Hinarang si Rayver para masolo nina KC at Sam ang eksena?

HINDI totoong hinarang si Rayver Cruz kaya wala siya sa presscon ng “Forever and a Day.” Kaya wala siya ay dahil hindi naman siya talaga tinawagan at maliit lang naman ang role. Kumbaga guest role lang siya. Bakit naman siya haharangin? Siyempre, gusto rin ng Star Cinema na tumulong siya sa promo ng naturang movie na showing na ngayon.

Bukod dito, may event din na dinaluhan si Rayver that night.

Tsuk!

***

PAREHONG nagdi-deny sina Maja Salvador at Coco Martin sa pagli-link sa kanilang dalawa. May chemistry kasi sila sa isang serye sa ABS-CBN kaya may mga nagpapalagay na sila na nga sa totoong buhay.

Ayon sa dalawa,  naging close raw sila simula nang magkasama sila sa serye at friends lang daw talaga sila.

“Masaya kami sa taping namin, mas nakikilala namin ang isa’t isa,” paliwanag  ni Maja.

Malalagkit ang tingin ni Coco kay Maja habang kausap ng press kaya hindi maiwasang isipin ng lahat na parang may ‘something’ silang dalawa.

Pero persistent din yung tsika na sila talaga ni Matteo Guidecelli at sila ni Coco ay pang-press relase lang.

Sila na ba talaga ni Matteo?

“Oo, nandu’n kami sa… ayaw naming madaliin. Puwede naman kaming mag-date na kaming dalawa lang, pero sa amin, hindi, lagi naming kasama ang mga kaibigan namin,” pag-amin ni Maja.

Pero hindi naman daw sila matatawag na exclusively dating dahil lagi nga raw nilang kasama ang mga kaibigan sa tuwing lumalabas.

Ang pagiging mabait daw ni Matteo at mapagmahal sa pamilya ang mga katangiang gustung-gusto niya sa young actor.

“Nakikita ko rin sa kanya na grabe siyang magtrabaho. ’Yung pwede mo siyang maging inspirasyon talaga. Nakikita mo na kahit hindi sila mahirap at nasa mayamang angkan sila, makikita mo na gusto niyang magpursige para maging magaling na artista. So, mai-inspire ka sa kanya,” she said.

Kung saan daw hahantong ang pagkakamabutihan nilang ito ay tingnan na lang natin.

Anyway, live na mapapanood si Matteo sa July 2 sa Zirkoh, Tomas Morato kasama sina Aiza Seguerra, Erik Santos , Ate Gay at Princess Velasco.

***

SABAY nag-guest sina Gerald Santos at KC Concepcion sa radio program ng kaibigang Jobert Sucaldito sa DZMM. Si KC ay para sa promo ng kanyang movie kay Sam Milby na “Forever and a Day” na showing na kahapon pa (June 15) at si Gerald naman ay para sa kanyang concert na “Major Move” sa June 18 sa Music Museum.

Bago matapos ang show ay pinakanta ng ilang linya si Gerald at nagalingan naman si KC.

“Nakaka-flatter,  sabi ni KC  you’re voice is amazing,” kuwento po ni Gerald.

Anyway, gustong imbitahan ni Ge ang ultimate crush niyang si Rhian Ramos sa kanyang concert. Nu’ng nasa Kapuso network pa siya ay nababaitan siya kay Rhian at talagang hinahangaan na niya.

Puwede naman siyang manligaw ngayong hiwalay na si Rhian kay DJ Mo at di umaamin na nagkabalikan na, di ba?

“Hindi po ako puwede makisali sa kanila at makigulo. Personal po nila ‘yun.

“Basta para sa akin crush ko pa rin si Rhian. Past is past. Ang mahalaga parati ay ‘yung ngayon. Di ka mabubuhay nang payapa kung mabubuhay ka sa past mo,” sambit ni Gerald.

Hindi pa rin nagbago ang pagtingin niya sa young actress kahit isiniwalat ni DJ mo ang mga moments nila ni Rhian gaya ng pagbabakasyon sa ibang bansa, pagsa-shower ng aktres sa condo ni Mo. Tsuk!

***

PAKI ng kaibigang Wendell Alvarez: Malugod na inaanyayahan  ng Ideal Vision Foundation ang lahat lalo na ang mga taga-showbiz na mahilig tumakbo gaya nina Piolo Pascual na makibahagi sa nalalapit na “Vision ON Motion 2011 Fun Run” sa darating na Hulyo 3 sa SM MOA Grounds, 5 a.m. Kung nais ninyong tumakbo upang makibahagi sa “Save Your Sight Advocacy” na ito. Makikita sila sa Facebook, i-like ang MyVISION in Motion. Email: vim2011@idealvisioncenter.com.ph

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply