Hinuhuli kung nagtataksil: Derek sinorpresa ni Angelica sa Shanghai!

ANUMANG magandang salita ang i-tweet ni Angelica, wala pa ring naniniwalang di siya nagseselos kay Erich Gonzales. She’s so very affected, na sa tuwina, may mga tweets siyang parinig kay Erich. Kumbaga, Angelica’s blinded with the belief na talagang may nangyayaring maganda sa pagitan ng kanyang boyfriend at Erich.

Hindi nga kasi matigil-tigil yung tsismaks na talagang nagkakamabutihan sina Erich at Derek. Nung magkasama raw sa isang teleserye sina Derek at Erich, okey lang kay Angelica na ma-link ang dalawa. But now na matagal nang wala sa ere yung soap, persistent pa rin ang rumor, dito na nga naapektuhan nang husto si Angelica.

What got Angelica’s goat pa was when there was a rumor na inamin pa ni Derek nang buong ningning na talagang may constant comunication sila, at higit sa lahat, patago at ayaw ipaalam sa kanya. Especially, yung incident nga na may matching introduction pa ni babae sa nanay ni Derek.

Talagang masakit yun, kahit na kaninong babae.

Can you imagine, inilihim yun sa ‘yo? Tapos, in the end, buong ningning pang inamin with a flimsy alibi na kuning-kuning, fan ni Erich ang mother ni Derek kaya gusto niya itong makilala.

Mababaw na malabnaw pa ang alibi na the more na nasasaktan si Angelica na baka nga naman any moment, iwanan siya sa ere and before she knows, wala na pala sila ng kanyang papa at ang dalawa na ang opisyal na magkarelasyon.

Ang sakit, sakit, sakit talaga nun!

“Mahirap pala pag alam ng tao na palaban ka. Di nila alam, inaapi ka rin pala at nasasaktan ka.”

Star Magic has told Angel to just keep quiet about the issue and this is her tweet about it: “Nakakapagod manahimik. Sige, kakalimutan ko na lang lahat. Para masaya ‘yung iba, kunwari, walang nangyayari.”

Pero kokontra at kokontra raw si Angelica no matter what.

Nagpunta nga para sa isang frisbee competition si Derek sa Shanghai at naiwan dito sa Pinas si Angel completing her scenes with her movie with Piolo. Pero di ito mapalagay na nag-iisip na baka may kasamang ibang babae sa China ang kanyang BF.  Kumbaga, nilamon ito ng insecurity. Ginawa nito, nagpaalam sa shooting, lumipad papuntang Shanghai upang sorpresahin si Derek.

“Last weekend, Derek competed sa frisbee games in Shanghai at nagpaalam si Angel sa shooting ng movie nila ni Piolo Pascual para sumunod talaga roon without informing him,” kuwento ng source. “Na-surprise talaga siya dahil naglalaro siya, biglang um-appear na lang si Angel doon to show her support for him. Na-appreciate naman niya kahit minalas sila sa game at natalo ng Beijing team.

They returned here to Manila together noong Tuesday.”

So there!

Mahaba pang lalakbayin ng isyung ito at posibleng in the end, mahuhuli na talaga ni Angel si Derek sa akto.

We mean, na magkasama silang dalawa ni Erich. And that would be the day!

***

Di totoong mabuting ama

DAMING papuri sa isang actor na magaling daw itong ama. Na talagang di raw ito nagpapabaya sa mga anak at lahat naibibigay niya.

Actually, may pangalawang asawa na si actor, yung unang dyowa niya, hindi naging maligaya sa kanya dahil sa true, pabaya itong ama lalo na noong hindi pa siya artista. Halos magutom yung dalawang anak niya noon. But in fairness to the actor nang yumaman naman ito, talaga namang sinuportahan niya ang dalawang anak.

Pero hanggang material na bagay lang.

Mismong yung anak niyang lalaki ang noon ay namamalitang hindi siya masaya sa buhay niya at maraming kumplikasyon lalo nang magkapera’ng tatay niya.

Madalas noon, sa bahay ng isang pokpok na starlet ang binatang anak ni actor noon. Kuwento nga niya, di naman sila mahal ng kanilang ama. Di raw sila pinapansin nito dahil mas priority raw niya’ng pangalawang pamilya niya. Dami raw nilang problema sa kanilang pamilya’t mukhang wala nang kalutasan talaga.

Ngayon nga, binibigyan ng image na mabuting ama si aktor. Pero wag daw maniwala dahil nga lumaki ang mga anak niya sa tunay na asawa na walang nadamang pagmamahal mula sa kanya. Well.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply