Holdaper swak sa selda

ISANG kilabot na holdaper na nagsasagawa ng kanilang notorious modus-operandi sa Lawton Avenue, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City ang isinuko ng Barangay Security Force sa himpilan ng Taguig City Police Station habang ang iba pa ay nakatakas noong Miyerkules ng madaling araw, Hunyo 15.

Sa salaysay ng biktimang si Mario C. Jimenez, 36, vendor at nakatira sa harap ng TESDA, Barangay Western Bicutan, sinabi nito na naglalakad siya bandang 3:20 ng madaling araw sa nabanggit na lugar nang harangin umano siya at gulpihin ng grupo na pinamumunuan ng suspek na nakilala sa pangalang Jessie F. Bonifacio, 18, at nakatira sa MLQ St., Barangay Old Lower Bicutan ng nasabing lungsod.

“Bago nila nilimas ang pera ko pinagtulungan muna nila akong gulpihin,” anang biktima.

Sinabi pa ng biktima na ng makalayo ang mga suspek ay agad niyang tinungo ang himpilan ng barangay na gumawa naman ng mabilis na hakbang upang mahuli ang mga ito.

Agad na binitbit at ikinulong ng mga awtoridad si Bonifacio ng makita ito. PP Corpus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply