Honoraria bawal na sa gobyerno

BAWAL nang tumanggap ng honorarium sa gobyerno ayon sa paggiit ng isang mambabatas, Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Rep. Carlo Lopez, kung maipapasa ang House Bill 4560, wala nang opisyal ng gobyerno ang papayagang humawak ng dalawang posisyon kaya hindi na sila makakakuha ng honorarium.

Ani Lopez, idedeklarang criminal act ng HB 4560 ang sinumang hahawak ng dalawang trabaho sa gobyerno, government officials man o empleyado.

Kung mapapatunayang guilty sa nasabing batas, pagmumultahin ang mahuhuli ng katumbas sa anim na buwang sweldo o higit pa o sususpindihin ng 30 araw, o kaya naman ay tatanggalin na sa seerbisyo.

Ani Lopez, walang normal na taong makapagsisilbi sa dalawang trabaho na magiging epektibo.

Aniya, dapat maging accountable ang mga public official at empleyado sa lahat ng oras sa mga tao.

Dapat umanong pagsilbihan nila ang mamamayan na may responsibilidad, integridad, loyalty at kashusayan.

Ani Lopez, kahit gaano katalino ang mga opisyal ng gobyerno na humahawak ng dalawang posisyon, nasisiguro niyang may pagkakataong napapabayaan nila ang kanilang mga trabaho dahil kulang sila sa konsentrasyon.

Kung hindi umano maganda ang kanilang performance, mawawalan ng tiwala ang mga tao sa gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply