Hotdog ni Aljur Abrenica gustong tikman ni Sam

NAKARATING na rin sa kaalaman ni Sam Pinto ang willingness ni Aljur Abrenica na maging leading lady siya ng hunk actor sa susunod nitong project.

Sobrang saya ni Sam nang makarating sa kanya ang tsikang ito. Kung matatandaan, open na open si Sam sa pagsasabing feel niyang makasama sa isang project si Aljur. Biro pa nga ni Sam, feel niyang tikman ang hotdog na ini-endorso ni Aljur.

Ngayon palang daw ay excited at happy si Sam sa tinatakbo ng pangyayari sa nais niyang pagsasama nila ni Aljur. Nagkasama na sila rati sa isang project sa GMA-7 pero hindi naman sila ang naging magkatambal.

Sa “Spooky Nights” Ringtone episode. Say pa rin ni Sam, naging maganda naman daw ang samahan nila ni Aljur sa naturang project at may chemistry rin naman ang kanilang pagsasama.

***

John Lapus kapwa ko mahal ko ang drama

MAGANDA ang takbo ng showbiz career ni John “Sweet” Lapus ngayong taon. Kabi-kabila ang kanyang mga project at nakatanggap pa siya ng Best Actor Award para sa pelikulang “Here Comes The Bride.” Kung ano naman ang ganda ng tinatakbo ng karir ni Sweet ay siya namang pagiging butata ng kanyang lovelife.

Sa isang panayam ay inamin niyang matagal-tagal na rin naman siyang loveless. Bago pa man ‘nananahimik’ ang puso ni John sa mga guys, inamin nitong naka-tatlong boypren siya na minahal niya talaga nang husto at pawang mga straight guys daw ang mga ito.

Say pa rin ni John, kahit daw alam niyang pera lang ang habol ng mga naging boypren niya sa kanya ay kinunsinti niya ito. At kung magmamahal daw siyang muli, gugustuhin na niya ang magmahal sa isang gay man o katulad din niya ng kasarian. Mas maganda na raw ito kasi mauunawaan ng magiging karelasyon ni John ang kanyang feelings. At malamang ay mauwi pa raw sa kasalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply