Houseboy lumaklak ng pesticide, tepok

NATAGPUANG patay ang isang houseboy matapos uminom ito ng isang boteng pesticide sa loob ng kuwartong tinutuluyan nito.

Nakilala ang biktima na si Felix Nabat, 21, houseboy sa bahay ni Maynilad President/CEO Victorico Vargas.

Si Nabat ay nakatakda sanang sumailalim sa isang lie detector test dahil isa siya sa pinaghihinalaang kasama sa panloloob sa bahay ni Vargas sa Ayala Heights, Quezon City.

Nakuha ng mga magnanakaw ang umaabot sa P15 milyon halaga ng salapi, laptop at mga alahas.

Ayon sa pulisya, nakuha sa tabi ng bangkay ni Nabat ang isang bote ng pesticide, suicide note at bote ng softdrinks.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Quezon City Police sa insidente para malaman kung mayroong naganap na foul play.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply