Hubert Webb nagsinungaling -de Lima

HINDI totoo ang pahayag ni Hubert Webb na nasa Amerika ito nang maganap ang karumal-dumal na Vizconde Massacre noong Hunyo 1991, ayon kay Justice Secretary Leila de Lima

Ayon kay De Lima, base sa resulta ng imbestigasyon ng binuong task force ng Department of Justice (DOJ) para sa Vizconde Massacre, lumalabas na nagsinugaling si Hubert Webb, isa sa mga pangunahing suspek na napawalang-sala noong 2010.

Nabatid ng task force na wala si Hubert Webb sa Estados Unidos nang maganap ang masaker noong Hunyo 1991 kung saan pinaslang ang mag-iinang Estrelita, Carmela at Jennifer Vizconde.

Sinabi ni De Lima na batay sa magnetic tape ng Bureau of Immigration, walang Hubert Webb na umalis ng bansa noong panahon ng krimen ngunit mayroon aniyang isang Freddie Webb na lumabas ng bansa mula Marso hanggang Hulyo.

Ang resulta aniya ng imbestigasyon ng task force ang bumasag sa alibi ni Hubert na siyang basehan ng Korte Suprema sa pagpapawalang-sala sa kanya.

Aminado ang DOJ na hindi na maaaring kasuhan si Hubert ng parehong akusasyon batay sa batas ukol sa double jeopardy.

Nilinaw ng kalihim na bagama’t hindi sinasabi sa imbestigasyon na nasa lugar siya ng krimen noong Hunyo 1991, hindi pa rin maiaalis ang pagtataka kung bakit kailangang magsinungaling ni Webb na nasa Amerika siya.

Kabilang sa mga bagong testigo ay isang nagngangalang “Mario,” na umano’y gumupit kay Webb noong Hunyo o Hulyo 1991.

Sina alyas “Rey” at “Jerry” ay nakita pa umano si Webb na naglalaro ng basketball sa BF Homes sa Parañaque City.

Isang security guard din ng nasabing subdivision kung saan nakatira ang mga Webb ang nakakita umano kay Hubert sa panahon ng masaker.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply