Human rights ituro sa paaralan – Legarda

NAIS ni Sen. Loren Legarda na ituro sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ang subject ukol sa karapatang pantao upang matiyak na matutunan ng bawat estudyante ang kanilang karapatan at maiwasang mabiktima sila ng mga pang-aabuso.

“In a time when our society constantly experiences extra-judicial killings, discrimination based on ethnicity and gender, enforced disappearances, hunger, internal displacement due to armed conflict, sexual abuse, among others, it is a fact of life that many of our countrymen do not know that these acts are serious infringements of their inherent and God-given human rights,” paliwanag ni Legarda.

“Many feel the pain that these violations bring, and yet they do not know its name nor do they know whom to run to for help. They are left in the dark; feeding the vicious cycle of impunity and encroachment of these rights,” dagdag niya.

Sinabi ni Legarda na lubhang napakahalaga para sa mga Filipino na sa murang edad pa lamang ay maging mulat na sa kanilang karapatan at nalalaman na dapat nila kung anong hakbang ang gagawin at kung anong mekanismo ang makakalap sakaling maging biktima ng pang-aabuso.

Sa ilalim ng Senate Bill 1432, layunin ni Legarda na gawing mandatory ang pagtuturo ng human rights bilang bahagi ng kurikulum sa lahat ng educational institution sa buong bansa.

Inaatasan ng panukala ang Department of Education (DepEd) sa pakikipagkonsultasyon sa Commission on Human Rights (CHR) na bumuo ng isang kurso sa human rights na siyang ituturo bilang hiwalay na subject o isasama sa umiiral na subject na itinuturo ngayon sa lahat ng antas ng edukasyon.

“We must equip our citizens with knowledge about their rights so that they are able to avoid falling prey to various forms of exploitation and ill-treatment. Educating our youth about human rights would also allow them to contribute in strengthening the country’s mechanisms against human rights abuse,” pagtatapos ni Legarda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply