Human trafficking talamak pa rin – solon

BAGAMA’T pinuri ng Estados Unidos ang Pilipinas at Singapore hinggil sa pagsugpo sa lumalalang kaso ng human trafficking, talamak pa rin umano ito sa bansa.

Ayon kay Akbayan Rep. Walden Bello, hindi maitatangging ang human trafficking ay patuloy pa ring namamayagpag sa Pilipinas.

Nilinaw ni Bello na bagama’t welcome development ang pagkakatanggal ng Amerika sa Pilipinas sa human trafficking watchlist, hindi dapat magmalaki agad ang gobyerno dahil marami pang dapat simulan at gawin para maging tunay na epektibo ang kampanya ng bansa laban sa nabanggit na problema.

Batay sa US State Department’s Trafficking in Persons report, inalis na ang Pilipinas sa nasabing listahan, pero nananatili pa itong nasa Tier 2.

Ibig sabihin, kahit na hindi pa ganap na matugunan ang pamantayan sa human trafficking ay gumagawa ng paraan para labanan ito.

Ipinunto ni Bello sa pamahalaan ang kaso ng mga guro na nasangkot sa trafficking sa Louisiana at ang tinaguriang “LA 11 case” o kaso ng 11 overseas Filipino worker (OFW) sa Los Angeles, California.

Aniya, ang mga ito ay ilan lamang sa mga patunay na ang labor at human trafficking mula sa Pilipinas at Amerika ay nagpapatuloy pa rin

Partikular na binigyang-pansin sa U.S. State Department’s Trafficking In Persons (TIP) report ang pagkakahatol sa 25 trafficking offender.

Kasama ng Pilipinas ang Singapore at Laos sa Tier 2, mga bansang hindi matugunan ang pamantayan sa human trafficking pero gumagawa ng paraan para labanan ito.

Nananatili naman sa Tier 2 ang Indonesia at Cambodia, subalit nasa watchlist pa rin ang Brunei, Malaysia, Thailand at Vietnam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply