Huwag nang RH Bill, kay Juico lang mauubos ang Pinoy

PINANINDIGAN na ng bestfriend ni Tita Cory na si PCSO Chair Margie Juico na huwag tulungan ang mga pasyente na may Biliary Atresia na nangangailangan ng liver transplant.

Kahit na sinasabi ng National Press Club na marami nang pasyenteng namamatay ay para bang bulag ang mga gunggong d’yan sa PCSO na puro pasugal ang inaatupag.

LANSAGIN ANG STL

Naniniwala si PNoy na ginagamit ang STL ng mga gambling lord sa operasyon ng jueteng.

Kaya inutusan si Margie na lansagin  na ito.

Aba’y mabilis na kumilos si Margie, papalitan daw ng Loterya ng Bayan.

GOODWILL MONEY SA LOTERYA NG BAYAN

Sa halip na ipatupad ang LNB para maubos na ang mga gambling lord, nauna raw kumalat ang mga kolektor ng “goodwill money” para  sa bagong pasugal ng bayan.

Tumataginting na P5-M hanggang P10-M ang hatagan ngayon para lang makuha mo ang prangkisa.

Sa madaling salita, yung iniutos ni PNoy na kailangang mawala na sa STL si Bong P. ay goodwill money lang pala ang katapat.

Tuloy na naman ang ligaya.

POPOY JUICO ANG MAY DIKTA

Sinasabi sa PCSO na si Popoy Juico raw na asawa ni Margie ang may dikta sa mga nangyayari ngayon sa PCSO.

Hindi po naniniwala ang ULTIMATUM pero bakit si Dante Ang ang PR ngayon ng PCSO?

Hindi ba’t si Popoy ang hawak ni Dante Ang at si Manny Garcia naman ang may hawak sa PCSO?

Bakit biglang sinibak si Manny Garcia?

May kinalaman ba ito sa STL payola na idineklara ni Manny kay Popoy?

Yun bang === payola na kung tawagin nila ay “media funds” na nanggagaling sa mga gambling lord.

BUKOL ANG SENATE AT CONGRESS

Bulag at bingi ngayon ang Senado at Kongreso sa nangyayari sa PCSO.

Bakit? Kasi marami sa mga mambabatas ay may grasa ng “grasya”.

Senate President Juan Ponce Enrile, mukhang bukol kayo sa PCSO.

Hayan! Puwede n’yo nang imbestigahan ang isa sa mga magagaling na direktor ng PCSO na si Dir. Mabel “Indian Seat” Mamba.

Di ba’t paborito n’yo ang mga Mamba sa Cagayan?

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.-remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply