Huwag pakasiguro sa PH-US ‘strong ties’ – Kiko

BINALAAN ni Sen. Francis Pangilinan ang Malakanyang na huwag pakakasiguro sa tinatawag na “strong ties” sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ang binigyang-diin ni Pangilinan sa gitna ng namumuong iringan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina dahil sa pinag-aagawang Spratly Islands.

“We should have no illusions about what the United States has to say about our strong ties,” ani Pangilinan.

Iginiit ng senador na ang mga hakbang na maaaring gawin ng bawa’t bansa ay base sa kanilang sarili at hindi para sa iba.

“In the final analysis, they are moved primarily by their interests and certainly not ours; and the same goes for China,” diin ni Pangilinan.

Ginawa ng senador ang pahayag bilang reaksyon sa talumpati ni US Ambassador to the Philippines Harry Thomas na ang Estados Unidos ay nasa panig ng Pilipinas at paniniguro nito sa mga Pinoy na kakampi ang mga Amerikano.

“The Philippines and the United States are strategic treaty allies. We are partners. We will continue to consult and work with each other on issues, including the South China Sea and the Spratly Islands,” ayon kay Thomas.

Sa kabila nito, ipinaalala ni Pangilinan na sa bandang huli ay dapat malaman natin na walang sinuman ang maaaring prumotekta sa ating bansa kundi tayo ring mga Pilipino.

“In the end, we will have to look out for ourselves. We would be fools to rely on other nations to protect our interests in the disputed territory,” paalala ng senador.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply