Igorot robbery gang nabuwag na

PINANINIWALAANG nabuwag na ng pulisya ang kilabot na “Igorot Robbery Gang,” na siyang responsible sa sunod-sunod na nakawan sa mga pawnshop.

Ito ay matapos masukol ang dalawa sa mga miyembro ng grupong ito Biyernes ng madaling araw sa bayan ng Taytay sa lalawigan ng  Rizal.

Kinilala ni Taytay chief of police Supt. Arthur Masungsong ang mga nasakote na sina Allen Langtuan, 30, ng Baguio City at Cesar Pandayan, 23, residente ng Purok 2, Ramon, Isabela.

Pinaghahanap pa ang mga kasamahan ng mga ito, na nakilala lamang sa mga pangalang Mario Buclan, “Jhon”, “Steve” at “Willer,” pawang residente rin ng Baguio City.

Ang mga suspek ay pormal na inireklamo ni Ma. Catherine Dominguez, 30, may-asawa, branch manager ng Tambunting Pawnshop at residente ng Cogeo, Antipolo City.

Sa ulat, naaresto ang mga suspek dakong ala-singko ng madaling araw sa naturang pawnshop na matatagpuan sa Rizal Ave. cor. Villanueva St., Barangay San Juan sa Taytay.

Nabatid na isang tricycle driver ang nakapansin sa mga suspek na papalabas ng drainage sa likod ng nasabing pawnshop kaya agad nitong inireport sa mga awtoridad ang kanyang nakita.

Matatandaang dalawang buwan na ang nakalilipas nang tangkain din ng mga suspek na pasukin ang nasabing pawnshop, subalit tumakas ang mga ito matapos na magreport ang mga tricycle driver sa ingay ng hydraulic drilling sa ilalim ng drainage.

Narekober rin sa mga suspek ang dalawang hydraulic jack, isang acetylene torch, isang steel saw, isang hammer, isang hand drill, isang flat screw, apat na crow bar, isang super kalan, LPG tank at medical oxygen tank.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply