Igorota natusta sa lumiyab na Ukay-Ukay store

NAMATAY sa sunog ang isang tinderang Igorota nang bumalik pa sa loob ng kanyang tindahan ng ukay-ukay na nasunog sa Cubao, Quezon City, Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ni Fire Officer 1 Rean Recato, radio operator ng Agham road fire station ang biktima na si Gina Depidep, 24, tubong Mountain province.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), naganap ang sunog dakong 3:05 ng madaling-araw sa Denzel Ukay-Ukay na nasa kanto ng Aurora Blvd., at Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Barangay Socorro, Cubao.

Ayon sa imbestigasyon ng mga tauhan ng BFP, nakalabas na ang biktima kasama ang apat pa niyang kasamahan mula sa nasusunog na tindahan.

Pero maya-maya lamang ay bumalik ito sa loob ng nasusunog na tindahan upang kunin ang kanyang mahahalagang gamit na naiwan nang biglang lamunin ng malaking apoy.

Matapos maapula ang apoy na umabot sa pangalawang alarma, dakong 3:54 a.m. nang magsagawa ng clearing operation ang awtoridad nang matagpuan ang bangkay ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply