Ika-92 suspek sa Maguindanao massacre arestado

BUMAGSAK na sa kamay ng batas ang isa pang sangkot sa Maguindanao massacre.

Ayon kay Army Chief, Lt. Gen. Arturo Ortiz, alas-9:30 ng umaga ng Lunes nang maaresto ng elemento ng 104th Brigade si Nasser Talib sa Barangay Poblacion, bayan ng Sharif Aguak sa lalawigan ng Maguindanao.

Si Talib ang ika-92 suspek na nadakip mula sa 195 na tinutugis sa brutal na pagpaslang sa 57 katao kabilang ang 32 mamamahayag noong Nobyembre 23, 2009.

Kabilang sa mga nakakulong ang mga itinuturong utak sa masaker na sina dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at anak nitong si Andal Jr., dating alkalde ng bayan ng Ampatuan.

Dahil dito, 103 na lamang ang pinaghahanap ng awtoridad para pagbayarin sa nabanggit na krimen. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply