Iligal na operasyon ng APO kakalkalin

KAKALKALIN ng Kamara de Representantes ang iligal na operasyon ng Asian Productivity Organization (APO) sa National Printing Office (NPO).

Ani Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, hindi umano tinupad ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma ang pangako sa nakaraang budget deliberation na kanyang reresolbahin ang isyu ng APO at isailalim sa regular procurement rules and accounting ang APO.

Paliwanag ni Casiño,  mismong si Coloma ang umamin na may malaking problema at kwestiyonable ang operasyon ng APO, na bagama’t masasabing “non-profit and non-stock company” ay patuloy na nakakakuha ng multi- milyong kontrata sa pamahalaan.

Nabatid na tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ng NPO ay pinahintulutan ng nakaraang administrasyon na mag-imprenta ng mga government security forms ang APO.

Sinabi pa ni Casiño na nakakuha rin umano ng pondo ang APO mula sa gobyerno samantalang hindi naman nagre-remit ng kita sa Bureau of Treasury.

Aniya, taliwas ito sa programang “tuwid na daan” ni Pangulong Aquino.

Una nang ibinulgar ni NPO Workers Association president Efren Villaluz na binibigyan ng malalaking allowances ang mga government appointee sa APO at patuloy na nakakakuha ng mga malalaking kontrata sa pamahalaan nang walang public bidding kahit lugi na ng P2 bilyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply