Ilocos Sur naghahanda sa bagyong Falcon

NAGHAHANDA na rin ang ilang kawani ng munisipyo at city disaster risk reduction management council ng Vigan, Ilocos Sur dahil sa posibleng epekto ng bagyong “Falcon” sa probinsya.

Ito ay sa kabila na rin ng paalala ng provincial DRRMC sa posibleng biglang pagbuhos ng malakas na ulan sa lugar.

Ayon sa DRRMC, kinakailangan manatiling zero-casualty ang probinsya sa mga darating na kalamidad.

Nauna nang nagsagawa ng pagpapatrolya ang Vigan City, kung saan pinutol na rin ang mga sanga ng mga nagtataasang puno na maaaring makapaglagay sa delikado sa mga motorista.

Nakaalerto na rin ang MDRRMC ng Santa, Ilocos Sur  na siyang nakakasakop sa Quirino Bridge.

Ito ay dahil sa posibleng pagtaas ng tubig mula sa dagat at ilog at landslide sa paligid ng nasabing tulay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply