Imbestigasyon sa pagpupuslit ng black corals sa Lunes

SISIMULAN na sa Lunes ng House committee on Ecology ang illegal importation at exploitation ng corals.

Ito ay matapos maghain ng resolusyon si Democratic Independent Workers’ Association (DIWA) party-list Rep. Emmeline Aglipay na nagsusulong ng malalimang imbestigasyon sa usapin na nakalkal din ni Senador Juan Miguel Zubiri.

Binigyang diin ni Aglipay sa House Resolution 1233, na kailangang marebyu ng Kongreso ang mga batas na nagbibigay proteksyon sa coral reefs ng bansa upang malaman kung nakakasapat pa ito sa illegal exportation at exploitation ng corals.

“The nation’s beautiful coral reefs, formed over the course of hundreds or even thousands of years are an integral part of that marine wealth, a breeding ground for fishes and other marine organisms, a breakwater for islands, the source of much of the diversity of sea life, and an attraction for tourists who come from far and wide to pay homage to vibrant life of our reefs,” ani Aglipay.

Magugunitang mahigit na tatlong toneladang illegally harvested corals ang nakumpiska sa Cebu nitong nakalipas na dalawang buwan.

Tinukoy pa ni Aglipay na ang coral ay tumutubo sa may 25,000 square kilometers ng teritoryo ng bansa na naging bahagi ng Coral Triangle, na pinamumugaran din ng 3,000 species ng reef fish.

Simula 1977, isinailalim ang coral sa proteksyon ng estado sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1219 o The Coral Resources Development and Conservation Decree.

Sa ilalim ng  naturang batas, ang pagkuha o harvesting, pagbiyahe,  possession, pagbebenta o page-export ng corals ay ipinagbabawal.

Maging ang paggamit ng corals bilang materyales sa pagpapagawa ng buildings, piers, dams at dikes ay ipinagbabawal din sa batas.

Subalit, sa kabila ng malinaw na prohibisyon sinabi ng mambabatas na patuloy pa rin ang ilang sa coral exportation at exploitation.

“The evidence of frequent and flagrant violation on the ban on coral exploitation and exportation reveals a void in the existing legal and or enforcement framework, which must be addressed without delay,” ani Aglipay.

Ayon sa mga marine experts, nasa 7,000 ektarya ng “reef complex” ang nasisira ng mga poachers na nanghuhuli ng sea at nangunguha ng black corals sa karagatan ng Cotabato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply