Impeachment trial vs del Castillo tuloy

TULOY ang impeachment proceedings laban kay Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo.

Ito ang tiniyak ni Iloilo Rep. Niel Tupas, chairman ng House Committee on Justice kahit pa inabswelto na ng Korte Suprema sa kasong plagiarism.

Ayon kay Tupas, ang desisyon ng korte na ibasura ang plagiarism case ni del Castillo ay hindi makaaapekto sa umaandar na impeachment proceedings ng justice committee sa Kamara.

Binigyang diin pa ni Tupas na walang kinalaman sa naging pasya ng SC ang pagkilos ng Kongreso dahil hiwalay na proseso naman ang ipinatutupad ng hukuman.

Nauna nang humingi ng judicial courtesy ang korte kung saan sinabi ni SC Spokesman Midas Marquez na dapat isinaalang-alang ng Kamara ang desisyon ng hukuman noong naghain sila ng impeachment complaint laban kay del Castillo.

Bwelta naman ni Tupas hindi maaari ang judicial courtesy na hinihiling ng korte sa Malaking Kapulungan dahil magkahiwalay na judicial body ang mga ito.

Sa pagbabalik ng sesyon sa Hulyo ay inaasahang muling ipagpapatuloy ang impeachment proceedings laban kay del Castillo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply