Importanteng panalo sinulong ni So

NAGSISIMULA ng magparamdam ng lakas si Pinoy bet super GM Wesley So matapos isulong ang importanteng panalo ng pisakin nito si no. 2 seeded Victor Laznicka (elo 2681), ng Czech Republic sa round seven ng AAI (Airports Authority of India) Grandmasters Chess Tournament sa New Delhi, India.

Hinawakan ni So ang puting piyesa para makaiskor kay Laznicka na umabot lamang sa 31 sulungan ng queen’s gambit.

Kasalo ng 17-anyos So (elo 2667), sina Laznicka at Indian GM Krishnan Sasikiran (elo 2676), sa second to fourth spot na may tig 4.0 puntos sa event na may six-players double round robin format.

Nakipaghatian ng puntos si Sasikiran kay tournament top seeded at solo leader Fabiano Caruana (elo 2714), ng Italy matapos ang 92 moves ng reti opening.

Umakyat naman sa panlimang puwesto si Yifan Hou (elo 2612) ng China na may 2.0 matapos nitong daigin si Negi Parimarjan (elo 2622) ng host country.

Umabot sa 61 sulungan ng Sicilian defense ang labanan nina Parimarjan at reigning world junior girls ranked no. 1 Hou.

Bagama’t 1.5 puntos pa ang hinahabol ni So kay Caruana upang masungkit ang titulo ng nasabing event ay naniniwala pa rin si National Chess Federation of the Philippines (NCFP) director, GM Jayson Gonzales na makakahabol ang Pinoy woodpusher.

“Three more rounds to go, marami pang puwedeng mangyari, tapos last game ni Wesley (So) si Caruana kaya puwedeng-puwede pang siyang mag champion (So).” saad ni olympiad veteran Gonzales.

Makakaharap ni So sa round 8 ay si Parimarjan kung saan sa una nilang paghaharap ay nauwi sa tabla ang kanilang laban.

Sa ibang matches, magpipisakan sina Laznicka at Sasikiran habang makikipag date sa 64 squares si Caruana na may 5.5 pts. kay Hou.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply