Imported processed meat magmamahal

PINANGANGAMBAHAN ang pagtaas ng hangaang 30 porsiyento ang presyo ng mga imported processed meat makaraang ipatupad ng pamahalaan ang paghihigpit sa pag-aangkat ng mga ito.

Ang pagtaas sa presyo ng imported frozen meat products ay kaugnay sa ipinalabas na babala ng United States Department of Agriculture (USDA) sa Pilipinas hinggil pagpapatupad ng “restriction measures” sa mga imported frozen meat product.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, nabatid sa isinagawang konsultasyon sa mga miyembro ng Meat Importers and Traders Association (MITA) at ng Philippine Association of Meat Processors (PAMPI) kaugnay ng Administrative Order (AO) No. 22, na nagtatakda ng istriktong guidelines sa pagbebenta ng mga inaangkat na karne sa bansa.

Nilinaw naman ni Alcala sa USDA na ang implementasyon ng direktiba ay pagtitiyak lamang sa kaligtasan ng mga consumer sa posibilidad na makabili ng kontaminadong produkto.

Nag-iingat din ang bansa sa pag-angkat ng mga processed meat na kontaminado ng food-and-mouth disease

Dahil sa AO No. 22, bumagsak ng mula 40 hanggang 50 porsiyento ang pag-aangkat sa bansa ng mga frozen meat products.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply