Inaabuso ang kawalan ng parusang bitay

TANGGAPIN man o hindi ng marami, tila inaabuso ng mga kriminal ang kawalan ng parusang bitay sa repablik ni Juan.

Tingnan ninyo, dito nagtatago ang drug-lords na internasyonal at dito nila iniismagel, ginagawa at iniluluwas ang kanilang mga produkto patungo sa ibang bansa.

Palibhasa, kahit ga-bundok ang dala-dala ni-lang droga at kahit gaano karami ang binibiktima nilang courier na nabibitay sa ibang bansa, hindi sila mabibitay kahit mapatunayan silang nagkakasala.

Kung makulong man sila, pinatatakas naman sila o tinatrato silang mga diyos ng kubol sa mga kulungan ng bansa.

Ganito rin ang naga-ganap sa ibang mga krimen.

Kahit mangmasaker sila, mangidnap for ransom, mangarnap na may pagpatay, mangreyp na may pagpatay at magnakaw nang may pagpatay at pag-reyp, tuloy-tuloy sila sa paggawa ng mga karumal-dumal na krimen.
oOo
Dahil sa mga pangyayaring ito, magandang muling silipin ang parusang bitay, kung pupuwedeng ibalik.

Basta’t daraan sa masusing pag-uusig sa mga hukuman ang mga kaso, walang dahilan upang hindi makatarungan ang desisyon.

Mas maigi ito kaysa ipaubaya sa mga riding in tandem o death squad o vigilantes o rebelde o mayor na nag-uutos ng shoot to kill ang pagpaparusa sa mga kriminal.

Maigi rin itong solusyon sa oberkrawding sa Muntinlupa at iba pang kulungan.

Mapipigilan din nang lubos ang paggamit sa mga gun for hire mula sa mga kulungan, gayundin ang operasyon ng mga druglord at warlord kahit sila’y nakakulong.

Sa huli, tiyak na magkakaroon ng kapayapaan, lalo na sa parte ng mga biktima, at maging ng taumbayan na nagkakaroon ng takot sa mga gumagalang kriminal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply