Indie film actor, 2 pang kasama timbog sa droga

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang independent film actor at dalawang kasamahan nito habang nasa aktong nagbebenta ng iligal na droga.

Batay sa ulat ni PDEA Director General Undersecretary Jose Gutierrez, Jr. ang mga suspek ay kinilalang sina Marc Wilson Layug, kilala sa “Marc Dela Paz”, indie-film actor; Juan Salcedo, Jr.,  marketing officer ng telecommunications company at Arthuro Oledan, Jr.

Ang mga suspek ay naaresto ng elemento ng PDEA Regional Office 4A (PDEA RO4A) makaraan ang isinagawang  buy-bust operation nitong June 5, 2011 sa Unit 3F, Carlton Tower, California Garden, Libertad Street, Mandaluyong City.

Nadakip ng awtoridad si Dela Paz habang nasa aktong ibinebenta ang dalawampung piraso (20) ng shabu na nakalagay sa loob ng medicine capsules. May kabuuang 122 piraso naman ng capsula na naglalaman ng 52.44 grams ng shabu ang nakumpiska mga suspek.

Si Salcedo ay nag-positibo rin sa droga nang sumilalaim sa  drug test.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply