Indonesia nilindol ng 6.2 magnitude

NAGREHISTRO ng magnitude 6.2 ang lindol na tumama sa bansang Indonesia, ayon US Geological Survey Lunes ng gabi.

Tinukoy ang sentro ng lindol sa 211 kilometro silangan ng Manado sa Sulawesi, Indonesia at may lalim na 13 kilometro.

Samantala, naitala naman sa magnitude 6.9 ng Indonesia’s Meteorological Service ang naturang lindol subalit pinawi nito ang pangamba ng tsunami dahil hindi umano ito makakalikha sa bansa.

“There’s no tsunami potential, we still have no reports of damage so far,” ayon sa isang opisyal ng ahensiya.

Wala pa namang naiuulat na nasira o nasaktan sa naturang lindol.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply