Inihian ang inumin ng amo: Pinay kalaboso sa Hong Kong

KALABOSO ang isang Pinay na domestic helper sa Hong Kong makaraang akusahan ng employer nito na nilagyan ng ihi ang kanyang inumin.

Ayon sa isang ulat sa Hong Kong, nagduda umano ang employer dahil sa kakaibang lasa ng kanyang inumin kaya’t inusisa nito ang kanyang kasambahay.

Binalak pa sana ng Filipina na itapon umano ang laman ng sisidlan na kinunan ng tubig na nilagay sa inumin ng kanyang employer subalit napilitan itong umamin matapos umanong takutin siya ng kanyang amo.

Samantala, kinumpirma sa isinagawang laboratory test na nilagyan nga ng ihi ang naturang inumin.

Depensa naman ng Filipina, nais lamang nito na maging malapit sa kanya ang loob ng kanyang employer kaya’t nilagyan niya ng kanyang ihi ang inumin nito base na rin sa sariling paniniwala ng kanilang pamilya sa Pilipinas.

Aabot sa tatlong buwan na pagkakakulong ang naging hatol ng korte sa hindi pinangalanang Pilipina.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply