Init ng panahon pumalo sa 36.5 kahapon

NAITALA kahapon ang pangalawa sa pinakamainit na panahon ngayong taon na naranasan sa Metro Manila kung saan pumalo ang temperatura sa 36.4 degrees Celsius, ngunit hatid sa mga tao ang pakiramdam na init na 43 degrees, ayon sa PAGASA.

Nabatid sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services, naitala ang pinakamatinding init ng panahon ngayong taon na pumangalawa sa naitalang 36.5 degrees noong May 4.

“Kahapon nakapagtala tayo ng 36.4 degrees. Medyo mataas at mataas ang relative humidity kaya feeling natin 36 degrees may more than 50 percent relative humidity, pakiramdam natin that was roughly 42-43 degrees Celsius,” ayon kay Administration forecaster Sonny Pajarilla sa isang panayam sa dzBB.

Bandang 2:30 p.m nang maranasan ang pinakamainit na temperatura.

Sa kabila nito, pinayuhan pa rin ang mga estudyante na magdala ng payong at kapote dahil sa mararanasang panaka-nakang pag-ulan bandang hapon.

“Mainit at pag inabot kayo ng kaunting pagambon magiging vulnerable tayo sa sipon ” ayon pa kay Pajarilla.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply